Guadiz

LTO magtataas ng alert level sa Undas

212 Views

MAGTATAAS ng alert level ang Land Transportation Office (LTO) bilang bahagi ng “Oplan Biyaheng Ayos Undas 2022” na lalayong gawing ligtas ang biyahe ng mga pasahero at motorsita a paggunita ng Undas.

Simula sa Oktubre 27 hanggang Nobyembre 4, ipatutupad ng LTO ang heightened alert sa lahat ng mga tanggapan nito sa bansa. Nangangahulagan ito na hindi muna maaaring makapagday-off o bakasyon ang mga LTO enforcer na pakikilusin sa panahon na ito.

“We are already anticipating our cemeteries to be teeming with more people during the week prior to All Saints’ Day compared to the previous two years since lockdowns and community quarantines have already been lifted,” sabi ni LTO chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz III.

Inaasahan ng LTO na mas marami ang daragsa sa mga sementeryo ngayong Undas upang bisitahin ang mga puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay dahil sa mas maluwag na health protocol.

Nagsagawa ang LTO ng multi-sectoral coordination meeting kasama ang law enforcement groups at road management units ng iba pang ahensya ng gobyerno upang ilahad ang mga paghahanda para sa Undas 2022.

Isa ring Road Safety and Defensive Driving seminar ang isinagawa sa mga drayber at konduktor ng Public Utility Bus (PUB).

Nagpakalat din ang LTO ng mobile team sa mga transport terminal sa National Capital Region.