Calendar
LTO nag-issue ng SCO sa Tesla driver na bumangga sa backrider
NAGLABAS ang Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Order (SCO) laban sa may-ari ng kotseng Tesla dahil sa umano’y pagtakas nang mabangga ang isang backrider sa Sta. Rosa City, Laguna kamakailan.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang pag-isyu ng SCO dahil sa viral video tungkol sa aksidenteng kinasangkutan ng Tesla at isang motorsiklo malapit sa Nuvali sa Sta. Rosa City noong Setyembre 25.
“I immediately ordered for the verification of this video and the incident was confirmed by a police report that our office obtained from the Santa Rosa police,” ani Assec Mendoza.
Base sa viral video, ang aksidente kinasasangkutan ng isang dark blue na Tesla electric vehicle na walang plaka sa likod nito at isang itim na Yamaha Sight na motorsiklo.
Sa video, makikitang binabaybay ng dalawang sasakyan ang one-way na kalye na may dalawang lane at malapit nang mag merge sa iisang lane dahil nasasakop ng guardhouse ang pinakaloob na lane.
Parehong nakapasok sa iisang linya ang mga nasabing sasakyan at nakahanda nang bumalik sa kani-kanilang linya nang biglaang nagpreno ang driver ng motorsiklo at agad na ipinarada ito sa gilid ng kalsada.
Bumaba doon ang back rider at buong tapang na tumawid sa kalsada. Hindi inaasahan, biglang umarangkada ang driver ng Tesla at nabangga ang backrider, dahilan upang ito’y bumagsak at magtamo ng mga sugat matapos itong masagasaan.
Ang video kumalat at nakakuha ng atensyon ng mga netizen at kinumpirma rin sa police report.
Sa SCO na nilagdaan ni LTO-Calabarzon Regional Director Elmer Decena, nakasaad na napatunayan ng mga pulis na ang rehistradong may-ari ng Tesla ang nagmamaneho ng sasakyan nang mangyari ang insidente.
Ayon sa SCO, ang driver ng Tesla iimbestigahan para sa paglabag sa Article V, Section 48 ng Republic Act No. 4136, o ang Land Transportation and Traffic Code.
Siansabi sa code na ito na: “No person shall operate a motor vehicle in any highway recklessly or without reasonable caution considering the width, traffic, grades, crossing, curvatures, visibility and other conditions of the highway and the conditions of the atmosphere and weather, or so as to endanger the property or the safety or rights of any person or so as to cause excessive damage or unreasonable damage to the highway.”
Binigyan ang may-ari ng Tesla ng limang araw upang isumite ang kanyang paliwanag kung bakit hindi dapat ipataw sa kanya ang anumang disiplina.