Calendar

Luis aliw ang b-day message kay Anne
Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Anne Curtis kahapon, Feb. 17, naglaan ng oras ang kanyang mister na si Erwan Heussaff para ipagluto siya.
Ibinahagi ni Erwan sa kanyang Instagram account ang video ng ginawa niyang pagluluto ng menudo at spaghetti para sa pinakamamahal na asawa.
“It’s that time of the year when we prepare food for Anne’s bday! On the menu today, Menudo with Lots of Capsicums and Cream. And Spaghetti with lots of creeeeaaam,” caption ng businessman hubby ni Anne.
Pero siyempre, mayroon din siyang seryosong birthday greeting para sa aktres.
Nag-post si Erwan ng compilation ng happy moments nila ni Anne tulad ng travels nila hanggang sa maging family of three na sila matapos isilang ng aktres ang panganay na si Dahlia.
Ang mas nakakakilig pa ay sinamahan ni Erwan ang video ng sweet poem.
“Years worth of moments and I’ve been privy to the last 15 years of them. It’s a privilege to see you find happiness in the little things,” caption ni Erwan.
Sagot naman ni Anne sa comment secion, “Merci Mon amour. Je t’aime. (Thank you, my love. I love you.)”
Samantala naaliw kami sa pagbati ni Luis Manzano kay Anne dahil ang pinili talagang larawan ng TV host ay ‘yung old photo nila sa “Kampanerang Kuba,” kung saan ay naka-prosthetics pa ang mukha ng showbiz diyosa.
Ni-reshare ito ni Anne sa kanyang Instagram Story at sey niya sa caption, “Out of all our photos together you just had to go and choose the worst one noh? Looking forward to your 50th this year Manzano!”