Just In

Calendar

February 2025
M T W T F S S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
2425262728  
Drug

Lulusot sa checkpoint, nadakma sa P1.5M na cocaine, ecstasy, marijuana

Edd Reyes Feb 2, 2025
9 Views

Drug1NASABAT sa checkpoint ang hinihinalang drug courier na hindi naka eskerda dahil may dala palang mahigit P1.5 milyon na halaga ng ilegal na droga noong Miyerkules sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals, tinangkang tumakas ni alyas Jonathan, 24, nang parahin habang sakay ng motorsiklo nina P/Maj. Segundino Bulan, Jr. commander ng Sub-Station-9, sa Brgy. 171, Bagumbong, dakong alas-11:45 ng gabi dahil walang helmet.

Nadakip ang suspek matapos ang habulan at nang suriin ang Lalamove bag sa likuran ng motorsiklo, nabuking na may laman itong 11 kilos ng marijuana bricks, isang kilong pinatuyong dahon ng marijuana, 60 ecstasy tablets, mga botelya ng liquid marijuana at sachet ng cocaine na tinatayang may monetary value na P1,573,100.

“This strategy emphasizes proactive law enforcement measures and fosters strong partnerships with the community to create a safer Metro Manila for everyone,” sabi ni P/Col. Josefino Ligan, district director ng Northern Police District.