Pagpaliban ng EDSA rehab pinuri sa Senado
Jun 1, 2025
Kagawad, 2 pa, nagsuko ng 3 paltik na boga
Jun 1, 2025
Calendar
Provincial
Lumilikas na babae, 56, nadulas, nahulog sa tulay, patay
Zaida Delos Reyes
Oct 23, 2024
179
Views
PATAY ang isang 56-anyos na ginang makaraang madulas at mahulog sa tulay habang lumilikas nitong Martes ng hapon sa Tagkawayan, Quezon.
Nakilala ang biktima na si Yolanda B. Marvida, residente ng Barangay Colong-Colong, sa nasabing bayan.
Ayon sa inisyal na ulat, tumatawid sa tulay ang biktima kasama ang kanyang asawa nang madulas ito at mahulog sa ilog.
Tinangay ang biktima ng malakas na agos at inabot ng halos isang oras bago ito natagpuan.
Dinala pa ang biktima sa pagamutan subalit idineklara siyang dead on arrival.
Kagawad, 2 pa, nagsuko ng 3 paltik na boga
Jun 1, 2025
Bagong Laguna gov handa na sumabak sa trabaho
May 31, 2025