PAGASA

Luzon uulanin sa bagyong Obet

156 Views

NAGING isa ng bagyo ang binabantayang low pressure area ng PAGASA.

Binigyan ng local name na Obet ang bagyo na nabuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility,

Sa pagtataya ng PAGASA, ang bagyo ay uusad ng pakanluran-hilagang kanluran hanggang sa Biyernes bago ito umusad ng pakanluran patungong Northern Luzon o Luzon Strait.

Posible umanong dumaan ang sentro ng bagyo sa Extreme Northern Luzon o sa hilagang bahagi ng mainland Northern Luzon sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga.

Inaasahan umano na bahagyang lalakas ang bagyo habang papalapit sa kalupaan. Posible na muli itong lumakas kapag nasa West Philippine Sea na.