Sotto

M4GG lubos ang suporta kay Sotto

34 Views

ANG Mayors for Good Governance ay lubos na sumusuporta sa isa sa mga convenor at Punong Lungsod ng Pasig na si Vico Sotto, sa kabila ng reklamong katiwalian na inihain laban sa kanya sa Office of the Ombudsman.

Bagamat oportunidad ang reklamong ito upang lumabas ang katotohanan, malinaw na isa itong pamumulitika at harassment laban kay Mayor Vico habang pumapalapit ang Halalan 2025.

May mga iilang tao o grupo na gustong usigin ang isang lingkod-bayan na sa simula pa lang ay matuwid at tapat na naglilingkod sa taumbayan.

Kami sa M4GG, malaki ang pagpapahalaga namin sa transparency at accountability. Hindi biro ang aming ginagawa na pagsusulong ng mabuting pamamahala, at lalong hindi biro ang ginagawa ni Mayor Vico na palayain ang kanyang lungsod mula sa matagal na paghahari ng katiwalian.

Anumang hamon at balakid ang dumating, ang M4GG ay patuloy na titindig para sa tama at ikabubuti ng mga Pilipino, tulad na ginagawa ni Mayor Vico para sa mga Pasigueño.