Romero1

Mabilis na kompensasyon para sa mga biktima ng karumal-dumal na krimen, mga nakulong ng walang sala isinulong

Mar Rodriguez Mar 8, 2023
211 Views

ISINULONG nitong Huwebes ng 1-PACMAN Party List Group ang isang panukalang batas na naglalayong lalo pang pagtibayin ang tinaguriang “compensation law” upang tiyakin na mabibigyan ng kompensasyon ang mga biktima ng karumal-dumal na krimen at mga taong nakulong ng walang kasalanan.

Isinulong ni 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., ang House Bill No. 7307 sa Kamara de Representantes para tiyakin na mabibigyan ng agarang kompensasyon ang mga naging biktima ng heinous crimes at maging ang mga nakulong ng walang sala.

Sinabi ni Romero na layunin ng kaniyang panukalang batas na amiyendahan ang itinatakda ng 7309 na nagtatag ng “Board of Claims” na nasa ilalim naman ng pangangasiwa ng Department of Justice (DOJ).

Ipinaliwanag din ni Romero na ang mapait na katotohanan sa kasalukuyang sistema ng “justice system” ay ang pagkakakulong ng isang indibiduwal sa isang krimen. Subalit sa kalaunan ay mapapatunayan pa lang absuwelto ito o wala siyang kasalanan sa krimeng isinampa laban sa kaniya.

Bukod pa rito ang napakahabang panahon ng paghihintay para siya ay mabayaran matapos itong maghain ng “claims” bilang kabayaran sa danyos perwisyo na kanyang naranasan habang siya’y nakakulong.

“Persons have benn accused and imprisoned for crimes they did not commit. Only to be subsequently acquitted. Government and society have become notably indifferent to victims of crimes and criminals. A judicial way of filing a claim for compensation may be too long, Congress opted for an administrative procedure of filing claims by Creating a Board of Claims,” ayon kay Romero.