Maceda

Maceda, Celis itinalagang Comelec commissioner

147 Views

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Ernesto Ferdinand Maceda Jr. bilang commissioner ng Commission on Elections (Comelec).

Muli ring inappoint ni Marcos si Nelson Celis bilang Comelec Commissioner matapos itong ma-bypass ng Commission on Appointments (CA).

Ayon kay Comelec spokesman John Rex Laudiangco natanggap na ng ahensya ang appointment papers ng dalawa.

Ang dalawa ay kapwa mauupo sa ahensya hanggang sa Pebrero 2, 2029.

Ang appointment ng dalawa ay kailangang pagtibayin ng CA.