Madrona

Madrona: Credit ng pahayag ni PBBM na nakakabangon na ang PH tourism dapat mapunta kay Sec. Frasco

Mar Rodriguez May 17, 2024
128 Views

Madrona1Madrona2IPINAGBUNYI ng chairman ng House Committee on Tourism ang naging pahayag ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa idinaos na tourism summit na unti-unti ng nakakabangon ang Philippine tourism matapos ang ilang taong pamumuksa ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, chairman ng Committee on Tourism, na ang credit sa pagbangon ng turismo ng bansa ay dapat mapunta kay Department of Tourism (DOT) Sec. Maria Christina Garcia-Frasco bunsod ng mahusay nitong pamamahala.

Ayon kay Madrona, ang muling pagsigla ng Philippine tourism matapos itong bumulusok noong kasagsagan ng pandemiya ay bunsod narin ng pagsisikap at pagpupunyagi ng DOT na magpatupad ng Filipino Brand of Excellence (FBSE) program na bumabandera sa kahusayan ng mga Pilipino.

Binigyang diin ni Madrona na napakahusay at excellent ang husay ni Frasco para muling maibangon ang dating naghihingalong Philippine tourism sa panahon ng COVID-19 pandemic dahil narin sa mga health restrictions na nagpahinto sa pagpasok ng mga dayuhan sa Pilipinas.

Sabi ng kongresista, base sa talaan ng Tourism Department noong 2023, tinatayang nasa 5.5 milyon na ang inbound tourists kung saan mas mataas ito ng 15% percent kumpara sa 4.8 milyong target ngayong taon (2024).

Samantala, nag-convene naman ang Technical Working Group (TWG) ng House Committee on Transportation na pinamumunuan ni Madrona (Chairman) para pag-isahin o i-consolidate ang panukalang batas na naglalayong lumikha ng Philippine Ship Registry sa bansa.

“The purpose of the meeting was to harmonize the proposed bill aimed at creating the Philippine Ship Registry. This registry is intended to foster a more appealing and favorable environment for both local ships and foreign vessels that might opt to operate under the Philippine flag,” sabi ni Madrona.