Romblon lone Dist

Madrona, nagpaabot ng pagbati kay Sec. Frasco

Mar Rodriguez Sep 1, 2024
104 Views

D𝗮𝗵𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗵𝗮𝗸𝗼𝘁 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗮𝘄𝗮𝗿𝗱 𝗻𝗼𝗼𝗻𝗴 𝟮𝟬𝟮𝟯

𝗦𝗔 𝗴𝗶𝗻𝗮𝗻𝗮𝗽 𝗻𝗮 𝗯𝘂𝗱𝗴𝗲𝘁 𝗯𝗿𝗶𝗲𝗳𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗔𝗽𝗽𝗿𝗼𝗽𝗿𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗽𝗿𝗼𝗽𝗼𝘀𝗲𝗱 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗯𝘂𝗱𝗴𝗲𝘁 𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 (𝗗𝗢𝗧), i𝗽𝗶𝗻𝗮𝗮𝗯𝗼𝘁 𝗻𝗴 c𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗥𝗼𝗺𝗯𝗹𝗼𝗻 𝗟𝗼𝗻𝗲 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗘𝗹𝗲𝗮𝗻𝗱𝗿𝗼 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 “𝗕𝘂𝗱𝗼𝘆” 𝗗. 𝗠𝗮𝗱𝗿𝗼𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀-𝗽𝘂𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝘁𝗶 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗸𝗮𝘆 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗦𝗲𝗰. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗻𝗮 𝗚𝗮𝗿𝗰𝗶𝗮 𝗙𝗿𝗮𝘀𝗰𝗼.

Ang pagbati ni Madrona kay Sec. Frasco ay patungkol sa napakaraming award na hinakot ng Kalihim noong 2023 bunsod ng mahusay at hindi matatawarang pamamahala nito sa Tourism Department.

Ayon kay Madrona, hindi nagkamali ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa pagpili kay Frasco bilang pinuno ng DOT sapagkat ipinapakita talaga nito na siya ay karapat-dapat para sa naturang puwesto na mapapatunayan sa apat na award na tinanggap nito noong nakalipas na taon.

Sabi ng kongresista na isa dito ay ng tanghalin ang Pilipinas bilang nangungunang “Dive Destination” (World’s Leading Dive Desination), ang pangalawa naman ay ng kilalanin at tanghalin din ang bansa bilang World’s Leading Beach Destination, ang pangatlo aniya ang World’s Leading City Destination at Global Tourism Resiliency Award.

Sa mga award na ito, dagdag pa ni Madrona na ipinapakita lamang nito kung gaano kadeterminado at ka-dedicated si Frasco para mapabuti ang kalagayan ng Philippine tourism sa pamamagitan ng pagbabalangkas at pag-iisip ng mga bagong hakbang at innovation para lalo pang mahikayat ang mga dayuhan at lokal na turista na magtungo sa iba’t-ibang magagandang tourist destination sa bansa.

Pagdidiin ni Madrona na sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon pa lamang nagkaroon ng Kalihim ang DOT na puspusan ang pagsisikap para mapa-angat ang kalidad ng turismo ng Pilipinas na makikita sa napakaraming achievements ng ahensiya. Kung saan, ang bawat Pilipino ay magiging “proud” sa DOT na pinamumunuan ni Frasco.

Dahil dito, muling sinabi ng mambabatas kay Frasco na: “𝗝𝗼𝗯 𝘄𝗲𝗹𝗹 𝗱𝗼𝗻𝗲” bunsod ng mga magagandang resulta ng kaniyang trabaho at pagsisikap para sa ikauunlad ng turismo ng Pilipinas. Kasabay pa ng pahayag ni Madrona na hindi matatawaran aniya ang napakahusay na performance ng DOT sapul ng maupo si Frasco sa naturang ahensiya.

Ikinagalak din ni Madrona ang naging reaksiyon ng mga kapwa nito kongresista matapos nilang ipahayag na posibleng magkaroon sila ng manifestation para madagdagan ang budget ng Tourism Department mula sa P3.3 billion ngayong taon ay maiangat ito sa P5 billion para sa susunod na taon (2025).

𝗧𝗼 𝗚𝗼𝗱 𝗯𝗲 𝘁𝗵𝗲 𝗚𝗹𝗼𝗿𝘆