Calendar

Madrona nagpatawag ng pagdinig ng House Committee on Transportation
BAGAMA’T abala si Romblon Lone Dist. Rep. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona sa pagtutok sa kaniyang distrito, hindi pa rin nito nakaligtaan ang kaniyang obligasyon bilang vice-chairman ng House Committee on Transportation matapos na i-convene nito ang naturang Komite para talakayin ang House Bill No. 11433.
Ang House Bill No. 11433 o ang “An Act Strengthening the Philippine Coast Guard by Introducing Policy and Organizational Reforms” ay inakda ni Madrona bilang revival ng House Bill No. 10841 na una nang inadopt ng Senado matapos itong sumailalim sa Senate amendments na nagresulta naman sa pagkakapasa ng Republic Act No. 12122.
Ayon kay Madrona, nakapaloob sa RA No. 12122 ang pag-eestablisa ng tatlong taong termino o three year fixed term para sa commandant ng Philippine Coast Guard (PCG).
Sabi din ng kongresista na nakapaloob sa HB No. 11433 ang pag-preserve sa core provisions ng HB No. 10841 habang nakatutok naman ito sa pagpapalakas ng effectiveness ng PCG sa apeto ng maritime safety at environmental protection.
“It aims to define a clear organizational structure while. Ensuring adequate resources to improve manpower and equipment,” wika ni Madrona.
Nabatid din sa kaniya na matapos ang masusing deliberasyon at unanimous support mula sa mga miyembro ng Komite kabilang na ang mga dumalong opisyal mula sa mga concerned agencies.
Inaprubahan nito ang House Bill No. 11433.
Dinaluhan ang pagdinig ng House Committee on Transportation ng mga key officials ng PCG sa pangunguna ni Admiral Ronnie Gil L. Gavan kasama na ang mga kinatawan mula naman sa mga ahensiya ng pamahalaan.