Madrona

Madrona nakiisa sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis

Mar Rodriguez Apr 23, 2025
19 Views

BILANG pakikiisa sa pagluluksa ng buong Simbahang Katoliko kasama na ang buong mundo, nagpahayag ng pakikidalamhati si Romblon Lone Dist. Rep. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona sa pagpanaw ni Pope Francis.

Sabi ni Madrona, chairman ng House Committee on Tourism, si Pope Francis ay tunay na lingkod ng ating Panginoon dahil sa kaniyang pagmamalasakit at pagmamahal para sa lahat ng tao.

Ayon sa kongresista, sa ilalim din ng pamumuno ni Pope Francis, ipinamalas nito ang compassion para sa lahat ng tao, mahirap man o mayaman at anoman ang kaniyang lahi sapagkat tunay na isinabuhay ng Santo Papa ang totoong kahulugan ng pananampalataya.

“We join the entire Catholic Church and millions of faithful worldwide in mourning the passing of His Holiness, Pope Francis. He was a true servant of God. A caring heart for others, tirelessly promoting peace, justice and unity in the midst of modern times,” sabi nito.

Dahil dito, dagdag pa ni Madrona na mananatili ang alaala ni Pope Francis sa puso ng mga mananampalataya dahil sa napakalaking kontribusyon at legacy na iniwan nito para sa lahat ng tao lalo na para sa mga Pilipino.

“Saint Pope Francis, thank you for your life of love and sacrifice. Farewell, Beloved Father of the Church,” dagdag pa ng mambabatas.

Pumanaw si Pope Francis sa edad na 88 ayon sa ibinigay na pahayag ng Vatican.

Inihayag ni Cardinal Kevin Farrel, Vatican camerlengo, na pumanaw ang Santo Papa sa kaniyang tahanan sa Casa Santa Marta noong nakaraang Lunes Abril 21 bandang 9:45 ng umaga.