Romblon lone Dist

Madrona optimistiko masusungkit ng DOT target nitong 77M tourist arrival

Mar Rodriguez Sep 13, 2024
127 Views

๐—ข๐—ฃ๐—ง๐—œ๐— ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ž๐—ข ๐—ฎ๐—ป๐—ด c๐—ต๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ผ๐˜‚๐˜€๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฒ ๐—ผ๐—ป ๐—ง๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—บ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ถ ๐—ฅ๐—ผ๐—บ๐—ฏ๐—น๐—ผ๐—ป ๐—Ÿ๐—ผ๐—ป๐—ฒ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜. ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฝ. ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฟ๐—ผ ๐—๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€ “๐—•๐˜‚๐—ฑ๐—ผ๐˜†” ๐—™. ๐— ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐˜† ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ถ๐˜ ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—บ ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—บ ๐—ฎ๐˜ ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฎ-๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐—ด๐—ฒ๐˜ ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐Ÿณ๐Ÿณ ๐—บ๐—ถ๐—น๐—น๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐˜๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜ ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฟ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฎ๐—น.

Sinabi ni Madrona na maaaring ilang hakbang na lamang ay makakamit din ng Department of Tourism (DOT) ang hinahangad nitong target matapos na maitala noong September 5 ng kasalukuyang taon na umabot ng 408 million ang tourist arrival o foreign visitors na nagtungo sa Pilipinas.

Ayon kay Madrona, malaki ang kaniyang paniniwala na kayang-kayang makamit ng nasabing ahensiya ang inaasam nilang target dahil may ilang buwan pa ang nalalabi bago magpaalam ang 2024. Kapos lamang ng 361 million para tuluyan ng masungkit ng DOT ang kanilang target at hindi malayong makuha nila ang kanilang inaasam sa pagpasok ng buwan ng Disyembre.

Pagdidiin ng kongresista na hindi maikakaila na sa tuwing papasok ang buwan ng Disyembre o holiday season ay dumadagsa sa Pilipinas ang napakaraming turista. Bukod pa dito ang mga balikbayan na pinipiling dito sa bansa nila ipagdiwang ang panahon ng Kapaskuhan.

Ipinahayag pa ni Madrona na sa pamamagitan ng impresibong datos na ito, malinaw na ipinapakita nito na walang pasubaling nakabangon na ng tuluyan ang Philippine tourism mula sa COVID-19 pandemic kung saan ang turismo ng bansa ang pinakaapektado.

Ayon din sa mambabatas, bunsod ng magandang “showing” ng turismo ng bansa, tinatayang nasa P362 billion mula Enero hanggang Agosto ng 2024 ang pumasok sa kaban ng pamahalaan na mas mataas sa P326 billion noong 2019.

๐—ง๐—ผ ๐—š๐—ผ๐—ฑ ๐—ฏ๐—ฒ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—š๐—น๐—ผ๐—ฟ๐˜†