Madrona

Madrona: PH tourism aalagwa

Mar Rodriguez Mar 12, 2024
113 Views

Sa tulong ng Routes Asia 2024 award na iginawad sa CRK

NANINIWALA ang chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona na ang “Routes Asia 2024” award na iginawad kamakailan sa Clark International Airport (CRK) ang magsisilbing daan para umalagwa ng husto ang turismo ng Pilipinas.

Ikinagagalak din ni Madrona sa pamamagitan ng nasabing award. Kinikilala nito ang CRK bilang isa sa pinaka-mahusay na international airport sa bansa at pagkilala narin sa commitment ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. para maisa-ayos ang tinatwag na “route development”.

Bilang chairman ng Committee on Tourism, pinapurihan din ni Madrona si Department of Tourism (DOT) Sec. Maria Christina Garcia Frasco dahil sa pagsisikap nitong maisa-ayos at mapaganda ang mga itinuturing na “tourist gateways” tulad ng CRK na repleksiyon kung ano ang Pilipinas.

Nauna ng sinabi ni Madrona na napakahalagang maisa-ayos at mapaganda ang sistema sa loob ng mga international airport sapagkat ito ang unang nakikita ng mga dayuhang turista papasok ng Pilipinas. Kaya kung anoman ang kanilang makita dito, ito ang kanilang magiging impression.

Kaugnay nito, ang isa sa ibinigay na direktiba ni Frasco sa DOT ay ang “full maximation” ng mga tinaguriang regional gateways gaya ng CRK at iba pang international airport sa Pilipinas na naglalayong magkaroon ng Magandang impression ang mga dumadating na dayuhang turista.

“We are grateful for the recognition bestowed upon Clark International Airport at athe Routes Asia Marketing Awards. Winning in the Under 5 million Passengers category underscores the Marcos administration’s commitment to excellence in route development marketing,” sabi naman ni Frasco.

Sinabi din ni Frasco na nakikipag-ugnayan din ang Tourism Department sa Department of Transportation (DOtr) para sa agarang pagsasa-ayos ng mga international airports kabilang na ang NAIA.