Calendar
Madrona pinapurihan si PBBM
Sa atas nito sa AFP na panindigan int’l maritime laws
BILANG Vice Chairman ng House Committee on Transportation. Pinapurihan ni Romblon Lone Dist. Rep. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona si President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. dahil sa panghihikayat na ginawa nito sa liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang panatilihin nila ang international maritime laws sa gitna ng kontrobersiyal na usapin na kinakaharap ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Madrona, Chairman din ng House Committee on Tourism, kinakailangan talagang panindigan ang Pilipinas ang karapatan nito patungkol sa usapin ng maritime laws pagkatapos ng panibagong insidente ng pangbu-bully ng China sa mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pinagtatalunang WPS.
Paliwanag ni Madrona pupuwede naman panindigan ng bansa ang mga karapatan nito sa international maritime laws gaya sa WPS nang hindi naman kailangang tapatan ang Harassment na ginagawa ng katunggali nitong bansa (China) upanh maiwasan ang pagsiklab ng mas malubhang problema.
Pagdidiin pa ng kongresista na tama ang naging pahayag ni Pangulong Marcos, Jr. sa harap ng mga heneral sa AFP na sa pagdepensa ng ating teritoryo sa pamamagitan ng international maritime laws ay kinakailangang palalimin ang commitment ng Pilipinas sa pamamamaraan ng regional peace at cooperation.
Sabi pa ni Madrona na ang aspeto ng diplomasya at pagiging mahinahon ang pinaka-epektibo paring pamamaraan para solusyan ang problema ng Pilipinas sa WPS sapagkat wala aniyang kakayahan ang ating Hukbong Sandatahan na makipagsabayan sa puwersa ng Chinese military.
Samantala, sinuportahan din ni Madrona ang naging pagkilos ng DOT upang protektahan ang karapatan ng mga kababaihan at mga bata upang tuluyan ng wakasan ang laganap na karahasan laban sa kanila.
Sabi nito na malaki ang maitutulong na commitment ng Tourism Department para tuluyan ng matuldukan ang matagal ng problema ng karahasan laban sa mga kababaihan at mga bata sa kabila ng mga umiiral na batas.
Kasabay nito, pinangunahan ni Madrona bilang Vice-Chairman ang pagdinig ng House Committee on Transportation na tumalakay sa labing-limang panukalang batas na nakasalang sa naturang Komite.
Kabilang sa mga tinalakay ng Committee on Transportation ay ang panukalag batas na naglalayong gamitin ang bisikleta bilang “mode of transportation” sa Pilipinas.
Nabatid pa kay Madrona na matapos ang mahaba at puspusang diskusyon patungkol sa mga naturang panukalang batas. Ang labing-limang panukala na pinag-sama-sama o consolidated bill ay inaprubahan ng Komite at isasa-ilalim naman sa amendments upan tiyakin ang epektibong implementasyon nito.