Calendar
Madrona pinapurihan si Sec. Frasco dahil sa mga inilatag na plano ng DOT
MULING pinapurihan ng chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Rep. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona si Department of Tourism (DOT) Sec. Maria Christina Garcia Frasco matapos nitong ilatag at ibahagi ang mga plano ng ahensiya para lalo pang pahusayin ang imprastraktura at koneksiyon sa turismo ng bansa.
Nauna rito, ipinahayag ni Sec. Frasco na inaprubahan ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ang National Development Plan ng DOT kung saan ang prayoridad nito ay ang pagpapaunlad ng imprastraktura patungo sa isang tourist destination lalo na sa mga lalawigan.
Ninigyang diin ni Madrona na ang pangunahing tututukan ng Tourism Department ay ang pagpapalawak ng mga kalsada, tulay at pasilidad ng paliparan sa iba’t-ligar sa Pilipinas upang maging accessible ang isang tourist destination para sa mga lokal at dayuhang turista.
Paliwanag ni Madrona na upang makahikayat ng mga lokal at dayuhang turista, kinakailangang matiyak na magiging kombinyente ang paglalakbay ng mga turista patungo sa isang tourist destination at higit sa lahat ay maging accessible ang naturang lugar para sa mga lokal at dayuhang turista.
Ayon sa kongresista, inihain nito sa Kamara de Representantes ang ilang panukalang batas na naglalayong maisa-ayos ang mga kalsada at iba pang imprastraktura patungo sa isang tourist destination na siya naman isinisulong ngayon ng DOT sa kanilang National Tourism Development Plan.