Calendar
Madrona suportado si Speaker Romualdez sa paglalaan ng pondo para sa mga mahihirap na Pilipino
SUPORTADO ni Romblon Lone Dist. Rep. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona ang pahayag ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez kaugnay sa paglalaan ng pondo para mabigyan ng aguda ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino na kapos ang kanilang kinikita.
Paliwanag ni Madrona, Chairman ng House Committee on Tourism, na napakahalaga ang paglalaan ng Kamara de Representantes ng pondo para mabigyan ng ayuda ang mga mahihirap na mamamayan lalo na ang mga pamilyang kapos ang kanilang kinikita sa gitna ng kasalukuyang krisis nararamdaman ng bansa.
Ayon kay Madrona, napakalaki ng maitutulong ng ipamamahaging ayuda bunsod ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin at mga nagdaang kalamidad.
Kinatigan din ng kongresista ang pahayag ni Speaker Martin Romualdez na hindi lamang ang paggawa ng batas ang trabaho nilang mambabatas kundi ang tiyakin din na ang lahat ng mamamayang Pilipino ay nabibigyan ng tulong at ayuda sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo.
Pagdidiin ni Madrona na walang halaga ang mga binabalangkas at ipinapasa nilang mga panukalang batas kung mayroon naman Pilipino ang naghihikahos at nagugutom. Kaya mahalaga aniya ang tulong ng Kamara de Repesentantes para sa kanila.
Nauna rito, iginiit ni Speaker Romualdez na hindi lamang paggawa ng batas ang kanilang trabaho kundi maging ang pagtiyak na ang mga batas na ginagawa ay makakapagbigay ng pag-asa at dignidad sa bawat pamilyang Pilipino.
Sabi naman ni 1-PACMAN Party List Rep. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., at Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation na ang isa rin sa mga tungkulin ng Kamara de Representantes ay ang tiyakin na mayroong nakalaang pondo upang masiguro na makakarating nang maayos ang mga benepisyo para sa mga mga mahihirap na Pilipino.
To God be the Glory