Sunog

Mag-ina, mister nailabas sa nasusunog na apartment; alagang pusa, aso dedbol

273 Views

NAILIGTAS ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mag-asawa at ang kanilang anak na nakulong sa nasusunog na apartment sa Quezon City noong Miyerkules.

Ayon sa report, dinala sa ospital ang mga nasagip at nasa mabuting kalagayan na ngayon.

Sa ulat ng BFP, bandang alas-2:00 ng madaling araw sumiklab ang sunog sa magkakatabing apartment ng Violet St., Brgy. Pasong Tamo sa lungsod

Ayon sa BFP, itinaas sa unang alarma ang sunog matapos kumalat ang apoy sa limang apartment unit at na-trap ang mag-anak sa loob.

Nailigtas ang mag-anak na may apelyidong Villa sa pamamagitan ng pagdaan sa rooftop.

Hindi nakaligtas sa sunog ang tatlong pusa at isang aso na alaga ng pamilya Villa.

Sa dulo ng apartment nagsimula ang apoy at hindi bababa sa limang pamilya ang naapektuhan.