Calendar

Mag-jowa na suspek sa pamamaril nahuli sa 20 gramo ng shabu 2 suspek sa pamamaril, laglag sa 20 gramo ng shabu
ARESTADO ang magkasintahan na umano’y sangkot sa pamamaril ng mga operatiba ng Manila Police District-Delpan police station sa buy-bust sa Gate 54, Brgy. 275, Zone 25, Parola Compound, Binondo, Manila noong Miyerkules.
Nakilala ang mga suspek na sina alyas Pau, 40; at alyas Chin-Chin, 27.
Bandang alas-2:35 ng madaling araw nahuli ang dalawa, ayon kina ni P/Lt. Rhett Nicdao at P/Capt. Tristan De Lara.
Nakuha sa dalawa mula sa dalawa ang 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000, ayon sa report.
Suspek sa pamamaril sa computer shop sa Parola compound ang magkasintahan noong November 16, 2024 kung saan isa ang namatay.
Sinisiyasat ng mga pulis ang mga nasamsam na droga mula sa naarestong magkasintahan na suspek din umano sa pamamaril sa computer shop sa Parola compound sa Binondo, Manila noong nakaraang taon.