Calendar
Mag-utol, timbog sa shabu at marijuana
TIMBOG ang mag-utol nang matiyempuhan ng mga nagpapatrulyang pulis habang nagpapalitan ng ilegal na droga Biyernes ng gabi sa Taguig City.
Sa ulat na tinanggap ng bagong upong Director ng Southern Police District (SPD) P/BGen. Manuel Javier Abrugena, nagsasagawa ng pagpapatulya ang mga tauhan ng Taguig Police Sub-Station 4 ,nang matiyempuhan nila ang mag-utol na sina alyas “Rosario” 52, at kanyang kuya na si alyas “Rio” 54, dakong alas-11:30 ng gabi habang nagpapalitan ng shabu at marijuana sa Brgy. Sta Ana.
Kaagad dinampot ng mga pulis ang dalawa at nang suriin ang dala nilang bag, nakita rito ang dalawang nakabalot na shabu sa isang plastic na tumitimbang ng 103 gramo na may katumbas na halagang P700,400.00 at isa pang plastic na supot na may lamang 29 na gramo ng high grade marijuana o kush na nagkakahalaga ng P400,600.00.
Ayon kay Taguig police chief P/Col. Joey Goforth, sasampahan ng kasong pag-iingat ng ilegal na droga ang magkaptid sa ilalim ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act sa Taguig City Prosecutor’s Office.