Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino

Magna Carta para sa mga pilot, aviation professionals, isinusulong Magsino

Mar Rodriguez Mar 20, 2024
183 Views

ISINUSULONG ni OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino ang isang panukalang batas upang magkaroon ng Magna Carta para sa mga piloto at iba pang aviation professionals sa bansa.

Inihain ni Magsino ang House Bill No. 10166 o ang “An Act Providing for the Magna Carta for Aviation Professionals and Workers in the Philippines” sa Kamara de Representantes upang mabigyan ng kaukulang proteksiyon ang mga piloto at iba pang manggagawa sa aviation industry.

Binigyang diin ni Magsino ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga aviation professionals o nasa hanay ng “air transportation” para sa ekonomiya ng bansa. Sapagkat sa pamamagitan nito, maraming Pilipino ang nabibigyan ng trabaho at malaki ang naitutulong sa turismo ng Pilipinas.

“As transport plays a pivotal role in our economy, in our tourism initiatives and also in labor migration. However, the international aviation community anticipates a shortage of skilled aviation professionals and workers in the near future. Because of the rise of infrastructures,” sabi ni Magsino.

Ipinaliwanag pa ni Magsino na layunin din ng kaniyang isinulong na panukalang batas na mas lalo pang pagbutihin o ma-improve ang trabaho at tungkulin ng mga avoation professionals kabilang na dito ang pagkakaroon ng humane working condition at magkaroon ng employment terms.