Lindol Larawan: PHIVOLCS/FB

Magnitude 3.6 na lindol, niyugyog ang Batangas

69 Views

NIYANIG ng magnitude 3.6 na lindol ang karagatan sa timog-kanluran ng Calatagan, Batangas, madaling-araw ng Huwebes, Nobyembre 12, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naitala ang tectonic earthquake alas-2:21:35 ng madaling-araw, na may lalim na 125 kilometro. Nasa 20 kilometro ito sa timog 16° kanluran ng Calatagan.

Naramdaman ang Intensity I sa Looc at Sablayan, Occidental Mindoro, batay sa instrumental intensities na inilabas ng ahensya.

Wala namang inaasahang pinsala o aftershocks mula sa naturang pagyanig, ayon sa PHIVOLCS. Ito na rin ang huling bulletin na ilalabas ng ahensya maliban kung may karagdagang impormasyong makakalap.