Phivolcs

Magnitude 4.7 lindol yumanig sa Surigao del Sur

222 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 4.7 ang yumanig sa Surigao del Sur Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-9:54 ng gabi.

Ang epicenter ng lindol ay 39 kilometro sa silangan ng Hinatuan at may lalim na 18 kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na lakas ng paggalaw:

Intensity IV- Hinatuan, Surigao Del Sur

Intensity III- Bislig City, Surigao Del Sur

Intensity II – Tagbina and Lingig, Surigao Del Sur

Instrumental Intensity:

Intensity II- Bislig City, Surigao Del Sur