Phivolcs

Magnitude 6.0 lindol yumanig sa Davao Occidental

177 Views

Isang lindol na may lakas na magnitude 6.0 ang yumanig sa Davao Occidental hapon ng Sabado, Pebrero 11.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang pagyanig alas-4:55 ng hapon.

Ang epicenter nito ay 255 kilometro sa silangan ng Balut Island na sakop ng munisipyo ng Sarangani. May lalim itong 41 kilometro.

Naramdaman ang Intensity II sa Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Intensity I naman sa T’Boli at Koronadal City, South Cotabato; Kiamba at Glan, Sarangani.

Ayon sa PHIVOLCS ang pagyanig na ito ay aftershock ng magnitude 7.0 lindol noong Enero 18.