Calendar

Magsasaka nagpasalamat, palay naibenta ng P15/kilo
CABIAO, Nueva Ecija–Binili ng Nueva Ecija Provincial Food Council (NEPFC) sa halagang P15 per kilo sa 36-anyos na babaeng magsasaka na napilitang ibenta ang aning sariwang palay ng P6 hanggang P8.50 kada kilo.
“Anim na piso binibili nila ang isang kilong palay ko, hindi na lang nila hinihingi, ang hirap sa kabuhayan, ang hirap pati sa damdamin, apat na buwan mo ibinigay ang puso mo, pagod pati pera tapos ganun lang nila binibili palay ko,” daing ni Jay Anne Parunga ng Brgy. San Vicente.
Ang NE-PFC, ang buying arm ng Nueva Ecija, ay dumating noong Martes at binili sa halagang P15 kada kilo ang natitirang 129 cavan ng palay sa kabuuang 272 cavans na kanyang inani ngayong wet cropping.
Isa si Parungao sa mga magsasaka dito na nabilhan ng palay ng NE-PFC sa pamamagitan ng “Palay Price Support Program” na P15 kada kilo.
Nagpaabot ng pasasalamat kay Gov. Oyie Umali at sa asawa nitong si dating Gov. Czarina “Cherry” Umali nang pangunahan ng mag-asawa ang libreng pamamahagi ng “Malasakit Rice” sa mga residente dito.