Sebastian

Magsasaka nakikinabang sa mataas na presyo ng palay—DA

170 Views

NAKIKINABANG ang mga magsasakang Pilipino sa mataas na presyo ng palay dulot ng limitadong suplay ng bigas dahil sa El Niño phenomenon, ayon sa isang opisyal ng Department of Agriculture (DA).

“For the longest time, Filipino farmers have always been at the losing end of the rice sector. But now, Filipino rice farmers are enjoying better prices from their fresh harvest, perhaps sparked by global fears of a shortage resulting from the adverse impact of El Niño forcing world suppliers to tighten supply in the world market,” sabi ni DA Undersecretary Leo Sebastian of the Rice Industry Development.

Batay sa datos ng DA National Rice Program ang presyo ng palay noong Marso 2023 ay P17.69 bawat kilo kung bagong ani at P19.73 naman kung napatuyo na.

Noong Marso 2022, ang presyo umano ay P15.99 kapag bagong ani at P18.41 kada kilo kung tuyo na.

Noong Abril 2023, ang presyo umano ng bagong aning palay ay P17.66 kada kilo at P20.38 naman kapag tuyo na, mas mataas kumpara noong Abril 2022 na P15.57 kung bagong ani at P17.95 kapag napatuyo na.

Pinakamataas umano ang presyuhan sa Central Luzon na umabot sa P22 kada kilo kung bagong ani at P25 kung napatuyo na.