Calendar
Magsasaka pinagbayad di kilala sa kinain, tinutukan pa ng boga
KALABOSO ang 30-anyos na mangingisda nang ireklamo ng panunutok ng baril ng lalaking pinagbabayad niya ng kanyang nakain Lunes ng gabi sa Navotas City.
Naaresto sa follow-up operation ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili si alyas “Tonyo”, matapos humingi ng tulong ang 55-anyos na biktima na kanyang tinutukan ng baril.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Renante Pinuela, nagkasabay ang dalawa sa pagkain ng street food sa isang ambulant vendor sa Brgy. NBBS Kaunlaran at sa pagtataka ng biktima, inutusan siya ng suspek na bayaran ang kanyang nakain.
Tumanggi ang biktima at ikinatuwiran na hindi naman sila magkakilala ng suspek. Dito na bumunot ng baril si alyas Tonyo at binantaang papatayin ang biktima na kaagad nakatakbo para hmingi ng tulong sa pulisya.
Nakumpiska ng mga pulis ang hindi lisensiyadong kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala sa suspek na mahaharap sa kasong Grave Threat at paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa Navotas City Prosecutor’s Office.
