Magsasaka

Magsasakang Reporter Mer Layson binigyan ng Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment Award ng Global Filipino Achievers Awards

19 Views

KINILALA ng pamunuan ng Global Filipino Achievers Awards ang Magsasakang Reporter ang kanyang Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment dahil sa kanyang adbokasiya na papalaganapin sa buong bansa ang pagtatanim ng sariling pagkain.

Ang Magsasakang Reporter na si Gadmer “Mer” Layson ay siyang host ng Masaganang Buhay na napapanood sa OnePh, Cignal TV, Channel 1 at RPTV ng TV-5.

Reporter at Columnist din si Layson sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Group of Publication.

Vlogger at Youtuber din si Layson at marami sa kanyang mga video tutorial ay umaani ng milyon-milyung views dahil nagbibigay ng kapaki-pakinibang na tips at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t-ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng Organikong pamamaraan.

Ang parangal kay Layson ay binasa sa Strangers Room sa NSW Parliament House sa Sydney Australia noong Biyernes ng gabi, June 20, 2025.

Bagamat hindi personal na nakapunta si Layson sa awards night ay taos puso naman itong nagpapasalamat sa pamunuan ng Global Filipino Achievers Awards.

Ayon kay Layson, ang parangal at papuri ay kanyang ibinabalik sa Panginoon at taos-pusong nagpapasalahat sa lahat ng kanyang mga viewers, subscribers at followers sa kanyang TV show na Masaganang Buhay, Kolum sa Pilipino Star Ngayon (PSN) Youtube at Social Media.

Si Layson ay isang ring Magsasaka, tubong Mexico Pampanga ay una na ring ginawaran bilang Most Oustanding Farmer of the Philippine ng TOFAR, BCYF Foundation awardee, Galing Pinoy ng DOST at FISPC at 9th Asia Pacific Luminares award.