Calendar

Magsino: Dapat magkaroon ng matinding protection para sa mga Pinoy seafarers
๐๐๐๐ก๐๐๐๐๐ง ๐ป๐ถ ๐ข๐๐ช ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐ ๐๐ถ๐๐ ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐๐ฎ โ๐๐ฒ๐น ๐ ๐ฎ๐ฟโ ๐ฃ. ๐ ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐ป๐ผ ๐ป๐ฎ ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ผ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ผ โ๐ถ๐ป๐๐ฒ๐ป๐๐ถ๐ณ๐ถ๐ฒ๐ฑ ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ปโ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ต๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ด ๐ฐ๐ผ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ถ๐ฒ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐๐ฒ๐ฎ๐ณ๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ฟ๐ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฟ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ผ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ผ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ด๐ถ๐๐ป๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฒ๐น๐ถ๐ด๐ฟ๐ผ๐ป๐ด ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐ด๐ฎ๐.
Ayon kay Magsino, panahon na upang magbalangkas ang gobyerno ng isang masidhi o matinding protection upang mapangalagaan ang mga Pinoy tripulante mula sa ibaโt-ibang panig ng mundo na laging nasusuong at nahaharap sa bingit ng peligro gaya ng walang habas na pag-atake ng mga sea-pirates.
Pagdidiin ni Magsino, dapat lamang na mabigyan ng kaukulang proteksiyon ang mga Filipino seafarers sa lahat ng pagkakataon lalo na sa tuwing silaโy maglalayag sa napakadelikadong karagatan na anomang oras ay maaaring sumalakay ang mga pirata.
Nananawagan ang kongresista sa mga kompanya o shipping companies na kumukuha ng mga Pinoy seafarers na kinakailangan nilang paigtingin ang pagpapatupad ng seguridad para mapangalagaan nila ang buhay ng mga Pilipinong marino na nagta-trababo sa kanila.
Iiminungkahi ng mambababatas ang pagkakaroon ng patrol boat na aagapay sa kanilang barko habang sila ay naglalayag upang maiwasan ang sakuna.
โFilipino seafarers should be protected at all times especially when navigating dangerous areas at sea. Nananawagan ako sa mga bansang kumukuha ng ating mga marino na paigtingin ang seguridad sa kanilang mga vessels kung maaari ay may kasama silang patrol boats hahang silaโy naglalayag upang maiwasan ang sakuna,โ ayon kay Magsino.
Kinatigan din ni Magsino ang ikakasang plano ng Department of Migrant Workers (DMW) patungkol sa pansamantalang pagpapahinto o โtemporary banโ para sa deployment ng mga Pinoy sailors sa mga lugar na kilalang โhot zoneโ.
โWe should study this as an option together with the maritime insustry stakeholders. If this will make ship owners doubly cautious and more mindful of the safety of their crew, then we will support a temporary ban,โ wika pa ni Magsino.
Winika din ni Magsino na inaasahan na mas lalo pang magkakaroon at mabibigyan ng naaangkop na potection at maayos na kompensasyon ang mga Filipino seafarers na nakapaloob mismo sa Magna Carta for Filipino Seafarers na kasalukuyang nakapending para sa gagawing paglagda ni President Ferdinand โBongbongโ R. Marcos, Jr. bago tuluyang maging ganap na batas.