Calendar
Magsino dumalo sa inagurasyon ng kaniyang “pet project”: Ang OFW Lounge sa NAIA Terminal 3
๐๐๐ก๐๐๐จ๐๐๐ก ๐ป๐ถ ๐ข๐๐ช ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐ ๐๐ถ๐๐ ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐๐ฎ “๐๐ฒ๐น ๐ ๐ฎ๐ฟ” ๐ฃ. ๐ ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ด๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ฎ ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด “๐ฝ๐ฒ๐ ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐’ ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐ป๐ฎ ๐ข๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ๐ฎ๐ ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ๐ฒ๐ฟ (๐ข๐๐ช) ๐๐ผ๐๐ป๐ด๐ฒ ๐๐ฎ ๐ก๐ถ๐ป๐ผ๐ ๐๐พ๐๐ถ๐ป๐ผ ๐๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ถ๐ฟ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐ (๐ก๐๐๐) ๐ง๐ฒ๐ฟ๐บ๐ถ๐ป๐ฎ๐น ๐ฏ.
Puspusan ang pagsisikap ni Magsino upang maisakatuparan ang pagtatatag ng OFW Lounge hindi lamang sa mga terminal ng NAIA bagkos, sa lahat ng international airport sa buong bansa.
Magugunitang sa naging budget hearing sa Kamara de Representantes noong 2023, binigyang diin ni Magsino ang kahalagahan ng pagkakaroon ng OFW Lounge sa mga international airports bilang insentibo para sa mga tinaguriang mga “bagong bayani”.
Si Magsino rin ang nagsulong ng House Resolution No. 1305 na naglalayong magkaroon ng pagsisiyasat ang Mababang Kapulungan patungkol sa paglalagay ng mga OFW Lounge.
“This Lounge is designed to provide a comfortable and convinient space for our Overseas Filipino Workers. Offering them much-needed respite and support for their journeys. Sinimulan natin ito sa pangunguna ng OWWA, DMW, DOTr at MIAA sa NAIA Terminal 1noong December 2023,” sabi ni Magsino.