Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino

Magsino kinondena pagpatay kay Jemboy Baltazar

Mar Rodriguez Aug 18, 2023
327 Views

HINDI pinalampas ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino ang pagkakataon nang kondenahin nito ang karumal-dumal na pagpatay sa 17-anyos na binatilyong si Jerhode Jemboy Baltazar na anak ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Quatar.

Mariing kinondina ni Magsino ang nasabing trahedya kasunod ng kaniyang pakikidalamhati para sa mga naulila ng pinaslang na binatilyo na naganap noong August 2, 2023.

Binigyang diin pa ni Magsino na nauunawaan nito ang sakit ng kalooban na kasalukuyang pinagdadaanan ng ina ni Jemboy na si Ginang Rodaliza Baltazar.

Ang naturang ina ay nasa Quatar ng makarating sa kaniya ang masaklap na sinapit ng kaniyang bunsong anak na biktima umano ng “mistaken identity”.

“What compounds this tragedy is the fact that Jerhode Jemboy Baltazar’s mother is an Overseas Filipino Worker named Rodaliza Baltazar. I wish to express my deep sorrow and concern over the tragic incident involving the senseless killing of Jemboy by the elements of the Philippine National Police (PNP),” ani Magsino.

Sinabi ni Magsino na hindi nito palalampasin ang pagkakataon para hindi kondinahin ang panibagong kontrobersiyang kinasasangkutan ng mga tauhan ng PNP. Kung saan, mistulang normal na lamang aniya para sa mga kapulisan ang pagpatay gaya ng mga nangyaring insidente sa nakalipas na panahon.

Iginigiit ng kongresista na dapat magkaroon ng hustisya ang sinapit ni Jemboy sa pamamagitan ng pagsasagawa ng masusing imbestigasyon patungkol sa nasabing insidente at mapanagot ang siyam na tauhan ng Navotas Police na responsable sa naganap na pamamaslang.

“I strongly condemn this unjustified killing. Particularly when it involves the actions of the national police. We vehemently reject such acts, and we are determined to prevent a return to the past killings. Every life is precious and the pursuit of justice must be unyielding,” dagdag pa ni Magsino.
Ipinabatid pa ni Magsino na ang trahedyang sinapit ni Jemboy sa kamay ng mga pulis ay isang malinaw na indikasyon aniya na kailangang ipagpatuloy ng pamahalaan ang pagsisikap nito para mas lalo pang ma-improve ang pagkakaroon ng disiplina, transparency at accountability sa hanay ng PNP.

“This tragic event underscores the necessity for continues efforts to improve discipline, transparency, accountability and introduce reforms within our law enforcement agencies. Our police officers are sworn to serve and protect the people, not to take innocent lives,” sabi pa ni Magsino.