Magsino

Magsino muling naghain ng COC

Mar Rodriguez Oct 7, 2024
227 Views

Magsino1Magsino2Para katawanin mga OFWs sa Kamara

DAHIL sa magandang performance na ipinapakita ni Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino bilang kinatawan ng OFW Party List sa Kamara de Representantes, opisyal na inihain ni Magsino ang kaniyang Certificate of Candidacy (COC) para muling katawanin ang sektor ng libo-libong Pilipinong manggagawa sa iba’t-ibang panig ng mundo kasama na ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng ibayong serbisyo.

Sabi ni Magsino na ang muling paghahain nito ng kaniyang kandidatura para sa darating na 2025 mid-term elections ay dahil nais nitong ipagpatuloy ang paglilingkod sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya sa gitna ng malaking suliranin na kinakaharap nila sa kanilang pinagta-trabahuhang bansa.

Ibinida rin ni Magsino na naging hitik sa serbisyo ang kaniyang unang termino bilang kinatawan ng mga OFWs. Kung saan, naging abala aniya siya sa pag-aasikaso sa mga pangunahing pangangailangan ng mga OFWs kabilang na dito ang pagsusulong ng mga programa para sa kagalingan ng mga Pilipinong manggagawa sa abroad.

“Ang ating paghahain ng ating kandidatura bilang kinatawan ng OFW Party List para sa 2025 elections ay pagpapatuloy ng tunay na serbisyo sa ating mga OFWs at kanilang pamilya. Hitik ang ating unang termino, tuloy-tuloy ang ating serbisyo. Pinagkatiwalaan tayo at inihalal bilang nag-iisang kinatawan ng mga OFWs sector sa Kongreso at susuklian natin ang kanilang pagtitiwala ng tapat na serbisyo,” ayon kay Magsino.

Sa kaniyang pagtungo sa Commission on Elections (COMELEC). Sinalubonb si Magsino ng masiglang pagbati mula sa kaniyang mga taga-suporta at naging mga benepisyaryo ng mga programa ng OFW Party List.

Sa kaniyang unang termino sa Kamara de Representantes, nabatid ng People’s Taliba sa kongresista na nakapag-hain siya ng 62 legislative measures at ang isa dito ay ang kasasa-batas pa lamang na Republic Act No. 12021 o ang “Magna Carta of Filipino Seafarers” na naglalayong mabigyan ng kaukulamg proteksiyon at suporta ang mga Pilipinong marino na naglalayag sa mga karagatan.

Ayon pa kay Magsino, kasama din sa naging tagumpay ng OFW Party List ay ang pagsusulong ng “Internet Voting” upang mas mapadali ang proseso ng pagboto para sa mga OFWs sa iba’t sulok ng mundo.