Calendar
Magsino, nakatutok din sa kapakanan ng mga PWDs
PINATUNAYAN ni OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino na hindi lamang ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang kaniyang tinututukan. Bagkos, maging ang kapakanan ng mga Persons with Disabilities (PWDs) para pangalagaan ang kanilang interes.
Inihain ni Magsino ang House Bill No. 9828 sa Kamara de Representantes na naglalayong mabigyan ng karampatang proteksiyon ang mga PWDs sa pamamagitan ng support fund na pangangasiwaan ng National Council on Disability Affairs (NCDA) alinsunod ng Disability Support Allowance Program.
Ipinaliwanag ni Magsino na layunin ng kaniyang panukalang batas na matulungan ang mga sa pamamagitan ng iminumungkahi nitong P2,000 per month disability support allowance batay naman sa bubuuing criteria ng Department of Social Welfare anf Development (DSWD).
Sinabi ni Magsino na bukod sa pagkakaloob ng discounts para sa mga PWDs. Mayroon din aniyang karapatan o “entitled” sa tinatawag na “existing laws” ang mga taong may kapansanan katulad ng pagkakaloob sa kanila ng allowance para matugunan nila ang mataas na presyo ng bilihin at mataas na pasahe.
“Persons with disabilities are confronted with various challenges and barriers which include limited mobility, discrimination, unequal access to education and employment opportunities and other social and public services. Some of them are trapped in poverty and do not enjoy a quality standard of living,” ayon kay Magsino.
Binigyang diin pa ng OFW Lady solon na nahahabag siya sa kalagayan ng mga PWDs sapagkat ilan sa kanila ang kalunos-lunos ang kalagayan ng pamumuhay dahilan may mga PWDs ang hindi nakakapasok ng trabaho bunsod ng discrimination o pinipili ng kompanya ang mga aplikante.
“Ito ang pamamaraan na nakikita natin para matulungan natin ang mga PWDs. Sapagkat matinding discrimination ang nararanasan ng mga PWDs kapag sila ay nag-a-apply ng trabaho. Kaya masasabin natin na sila ay neglected sector ng ating Lipunan na nangangailangan ng tulong.” Sabi pa ni Magsino.