Magsino

Magsino nanawagan ng aksiyon vs nawawalang balikbayan box

Mar Rodriguez Dec 10, 2024
136 Views

Magsino1Magsino2Magsino3NANANAWAGAN si OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino sa mga ahensiya ng pamahalaan para magkaroon ng mga konkreto at espisipikong aksiyon upang tuluyan ng wakasan ang malaon ng problema ng pagka-antala, pagkawala at burarang pagtrato sa mga balikbayan boxes na ipinapadala ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon kay Magsino, ang kaniyang naging panawagan sa mga ahensiya ng gobyerno ay kasunod ng walang humpay na pagkawala at padaskol-daskol na pagtrato sa mga ipinapadalang balikbayan boxes ng mga OFWs kung saan hanggang sa kasalukuyan ay nagpapatuloy parin ang naturang problema.

Sa isinagawang Committee Hearing sa Kamara de Representantes patungkol sa nakasalang na House Resolution No. 299. Binigyang diin ni Magsino ang kahalagahan na maprotektahan o mapangalagaan ang mga Balikbayan boxes na simbolo aniya ng pagmamahal sa pamilya at sakripisyo ng mga OFWs.

Binatikos din ng kongresista ang tinawag nitong sistematikong kapalpakan patungkol naman sa proseso ng paghahatid o delivery ng mga nasabing balikbayan boxes patungo sa mga recipients nito o ang pamilya at mga kamag-anak na tatanggap ng mga ipinadalang pasalubong ng mga OFWs.

Pagbibigay diin pa ni Magsino na nasasayang lamang aniya ang napakalaking sakripisyo ng mga OFWs sa ibayong dagat sapagkat ang mga ipinapadala nilang mga packages sa pamamagitan ng mga Balikbayan boxes ay walang pakundangang nilalapastangan lamang pagdating sa Pilipinas gaya ng pagnanakaw at mismanagement.

“The balikbayan box is more is more than just a package. It is the hopes, dreams and sacrifices of our OFWs. To see this tradition tainted by theft, mismanagement and fraud unacceptable. It is an insult to their hardwork and their families,” wika ni Magsino.

Nabatid pa sa OFW Party List Lady solon na iginiit din nito sa isinagawang Committee Hearing na dapat magbigay ng malinaw at kasagutan at accountability ang mga partikular na ahensiya ng pamahalaan hinggil sa isyung ito.

Kasunod din nito ang pagbusisi ni Magsino kaugny naman sa updates ng mga isinampang criminal complaint laban sa mga freight forwarders at iba pang indibiduwal na nasangkot sa pagkawala at mishandling ng mga Balikbayan boxes.

“Ang masakit, maraming Balikbayan boxes ang hindi nakarating sa oras o tuluyan ng nawawala. Kung nakarating man, kulang-kulang na ang laman nito dahil sa pagnanakaw. Ang ganitong mga pangyayari ay hindi lamang nakakagalit kundi nakakasakit sa damdamin ng ating mga OFWs at kanilang pamilya,” sabi pa nito.