Magsino

Magsino pinapurihan ikalawang SONA ni PBBM

Mar Rodriguez Jul 26, 2023
213 Views

PINAPURIHAN ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino ang matagumpay na ikalawang State of the Nation Adress (SONA) ni President Ferdinand “Bongbong”R. Marcos, Jr. matapos ipahayag ng mambabatas na ang naging talumpati ng Punong Ehekutibo ay “informative at highly inspiring”.

Sinabi ni Congresswoman Magsino na ang partikular na hinangaan niya sa mensahe ng Pangulong Marcos, Jr. sa kaniyang SONA ay ang paglalatag nito ng naging achievements ng kaniyang administrasyon sa pagsusulong sa interes at kagalingan o welfare ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Dahil dito, binigyang diin ni Magsino na ang inilatag na achievements o accomplishments ng Marcos, Jr administration para sa mga Pilipinong manggagawa sa abroad ay isang maliwanag na pagkilala sa pagsisikap at sakripisyo ng mga OFWs. Kabilang na dito ang kanilang napakalaking ambag sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng kanilang mga remittances.

Ikinagalak ni Magsino sapagkat nabigyan ng pagkilala o “recognition” ni Pangulong Marcos, Jr. sa kaniyang SONA ang napakahalaga at napakalaking contribution ng mga OFWs sa ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng $32.5 billion o P1.8 trillion remittances noong nakaraang taon (2022) na isang indikasyon na ang mga OFWs ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng tinatawag na “economic growth” sa Pilipinas.

“The President’s SONA is in recognition of theeir hardwork and sacrifices in leaving their families behind to work abroad. This includes their significant constributions to the economy with $32.5 billion or P1.8 trillion in remittances in 2022. Solidifying their role in the country’s transormative economic growth,” Ayon kay Magsino.

Idinagdag pa ng OFW Party List Lady solon na kabilang din sa mga inilatag na “achievements at accomplishments” ng Marcos, Jr. administration ay ang digitalization efforts ng pamahalaan para sa Department of Migrant Workers (DMW) sa pamamagitan ng paglulunsad ng “mobile application” para sa on-line aquisition ng OFWPass kapalit ng dating Overseas Employment Certificate (OEC) na napatunayang mabagal at dagdag pahirap para sa mga aplikanteng OFWs.

“Furthermore, the President highlighted the continued employment of some 50,000 and the deployment of more Filipino seafarers aboard European Union (EU) vessels with the note to attune or maritime education and training in the country to the high exacting and cconstantly evolving global standards,” Paliwanag pa ni Magsino.