DepED

Mahigit 14.2M nag-enroll para sa SY 2022-23

Arlene Rivera Aug 4, 2022
256 Views

MAHIGIT 14.2 milyong estudyante na ang nakapagpa-enroll para sa paparating na School Year 2022-2023.

Batay sa datos ng Department of Education (DepEd), 6.6 milyon sa mga ito ang elementarya, 4.6 milyon ang junior high school, 2.1 milyon ang senior high school, at 946,601 ang kindergarten.

Pinakamarami ang nakapag-enroll na sa Calabarzon (2.1 milyon), National Capital Region (1.7 milyon), at Central Luzon (1.4 milyon).

Hanggang sa Agosto 22 ang enrollment sa pampublikong paaralan na nagsimula noong Hulyo 25.

Magsisimula ang klase sa Agosto 22 at matatapos sa Hulyo 7, 2023.