CSC

Mahigit 35K pumasa sa civil service exam

222 Views

UMABOT sa 35,382 ang bilang ng mga pumasa sa civil service eligibility examination sa unang semestre ng taon.

Ayon sa Civil Service Commission (CSC) nakapagsagawa ito ng walong eligibility examination mula Enero hanggang Hunyo 2022 kung saan 199,950 ang kumuha ng pagsusulit.

Sa professional exam noong Marso 13, nanguna si Rae Recy Bagonoc, mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Siya ay nakakuha ng 87.81% at nanguna sa 56,980 kumuha ng pagsusulit.

Sumunod naman sina Francis Benedict Bernas (Western Visayas) na nakakuha ng 87.65%; Jim Ealphealo Mijares (Central Visayas), 87.50; Simon Hildawa (NCR), 87.43; Shiaira Mae Bautista (NCR), 87.38; Jacob Gomez (Southern Tagalog), 87.35; Renato Timbal Jr. (Bicol Region), 87.34; Jason Nuñez (Davao Region), 87.28; David Ian Paz (Cagayan Valley), 87.22; at Iris Karn Magallanes (Western Visayas), 87.14.

Nanguna naman sa subprofessional exam si Nenita Liis, ng Cordillera Administrative Region (CAR). Siya ay nakakuha ng 86.05% at pinakamataas sa 13,853 kumuha ng pagsusulit.

Siya ay sinundan nina Renee Rio Picpican (CAR), 85.81; Layra Marie Bactung (Western Visayas), 85.79; Alevir Niño Nabor (Western Visayas), 85.74; Mia Rose Guadalupe (Bicol Region), 85.70; Charisse Joy Castañeda (NCR), 85.69; Jema May Balano (Eastern Visayas), 85.50; John Randolf Velasco (Southern Tagalog), 85.29; Venus Angela Grajo (Bicol Region), 85.28; at Cyril NJ Rodil (Southern Tagalog), 85.12.