Kapunan: Hindi si VP Sara ang biktima
Oct 14, 2026
VP Sara hindi na kailangang magbitiw –Abante
Oct 14, 2026
Calendar
Metro
Mahigit P1M na shabu nakuha sa ‘bossing’ ng mga tulak
Edd Reyes
Feb 1, 2025
533
Views
TIMBOG sa buy-bust ng mga pulis ang 23-anyos na binansagang “boss” ng mga suspek na tulak noong Sabado sa Caloocan City.
Umabot sa 155 gramo ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals kay alyas Boss na may katumbas na halagang P1.054 milyon.
Ayon kay Col. Canals, isinagawa ang buy-bust dakong alas-12:53 ng hatinggabi sa Block 14, Kaagapay Road, Brgy. 188, habang naka-antabay sa paligid ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at Police Sub Station 11.
Nahuli ang suspek matapos tanggapin ang bayad ng poseur-buyer na pulis, ayon sa report.
Pinuri ni Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Josefino Ligan ang Caloocan police sa pagkakatiklo sa suspek.
Belmonte ipinag-utos na buwagin Task Force Disiplina
Oct 13, 2026
Ama dinampot sa gahasa ng menor de edad na anak
Oct 13, 2026
QC kinondena pamamaril ng 3 ‘nakatambay’ sa QC
Oct 13, 2026
Dahil sa panghahalay, lalaki inaresto
Oct 12, 2026

