BUDGET PARA SA DEP’T OF NATIONAL DEFENSE
Oct 19, 2026
Calendar
Metro
MAHIGIT P400 MILYONG HALAGA NG MGA PEKENG PRODUKTO NASAMSAM NG NBI
Edd Reyes
Oct 19, 2026
22
Views
KINUMPISKA ng National Bureau of Investigation – Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD) ang mga pekeng produkto na nagkakahalaga ng P425,225,115.31 sa mga operasyong isinagawa sa Valenzuela, Maynila, Taguig, at Pasay.
Sa bisa ng mga search warrant, nakuha ng mga awtoridad ang 1,608 assorted na produkto, 10 kahon ng mga bag, at tatlong kahon ng salamin na may tatak na “Louis Vuitton.” Bukod dito, nasamsam din ang 18,136 na pares ng pekeng tsinelas na may tatak naman na “Havaianas.”
Paalala ng NBI sa publiko, labag sa Republic Act No. 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines) ang paggawa, pamamahagi, pagbebenta, at maging ang pagbili ng mga pekeng produkto.

