Calendar
Mahusay na nagawa ni PBBM sa pakikisalamuha sa international business community kinilala
KINILALA ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mahusay na nagawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pakikisalamuha nito sa mga international business community upang makakuha ng pamumuhunan na kailangan sa pagbangon ng bansa.
Ayon kay Romualdez dahil sa ginawa ni Marcos ay alam na sa rehiyon na bukas na ang Pilipinas para sa mga negosyo at mayroong mga hakbang na gagawin ang administrasyon para mapabuti ang kanilang pagnenegosyo sa Pilipinas.
“I think he’s done very well. They now know—our friends in the region know— that the Philippines is open for business and that the Marcos administration, his administration is ushering in a whole new environment for business and investments and that would augur well for the economy, especially during these times,” sabi ni Romualdez.
Si Marcos ay lumipad sa Singapore noong nakaraang linggo matapos imbitahan ni Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong. Ang Pangulo ay kabilang sa mga nanood sa F1 Grand Prix kasama ang mga malalaking negosyante.
Sinabi ni Romualdez na siya ay pumunta sa Singapore batay sa imbitasyon ng Singaporean Prime Minister.
Inamin ni Romualdez na mahirap tumanggi sa isang imbitasyon ng lider ng bansa kung saan nanggagaling ang malaking foreign direct investments na pumapasok sa Pilpinas.
“I think it’s always a good idea to honor that invitation and to engage further not just Singapore, but the countries in the region— not only the governments, but of course the business communities in the region,” dagdag pa ni Romualdez.