bro marianito

MAIIWASAN NATIN ANG KASALANAN AT TUKSO KUNG MALAKAS ANG ATING PANANALIG SA DIYOS (Mateo 4:1-11)

389 Views

“Pagkatapos, si Jesus ay dinala ng Espiritu sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. Siya’y nag-ayuno sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi kaya’t siya’y nagutom.” (Magandang Balita Biblia – Mateo 4:1-2)

LAHAT tayong inmortal ay matatawag na “prone at vulnerable” sa lahat ng uri ng temptation. “Nobody is indispensable” ang sabi nga ng iba. Sapagkat maging ang ating Panginoong HesuKristo ay hindi pinagligtas ng temptasyon at panunukso ng diyablo kahit siya pa ang bugtong na anak ng Diyos Ama.

Ang temptasyon ay hindi naman inilalapit sa atin ng diyablo sa anyong “pangit’. Sapagkat kung ito’y nasa pangit na apseto o anyo. Wala na sanang taong nahulog sa kasalanan o pagkakasala. Dahil kung sa unang tingin pa lamang ay nakita na nitong pangit ang kasalanan hindi na siya nagkasala.

Tulad nina Eba at Adan (Genesis 3:1-13). Hindi naman inilapit ng demonyo ang pangit kay Eba. Kundi ang inalok niya dito ay yung maganda. Matapos sabihin ng ahas sa babae na magiging parang Diyos din siya kapag kinain niya ang bunga ng punong ipinagbabawal ng Panginoon sa hardin ng Eden.

Nagpadala sa pambubuyo ng demonyo si Eba sapagkat gusto niya rin maging katulad ng Diyos na nakaka-alam ng masama at mabuti. Hindi man tuwirang sabihin subalit naging ambisyoso si Eba dahil sa bibig niya mismo nanggaling na: “Kahanga-hanga ang maging marunong kaya kumain siya nito”. (Gen. 3:6)

Sa Mabuting Balita (Mateo 4:1-11), maging ang ating Panginoong HesuKristo ay inaalok din ng magagandang bagay ni satanas nang tuksuhin siya nito sa ilang. Masasabi natin na marahil ay talagang napaka-tempting o nakaka-akit ang mga bagay na inaalok ng demonyo kay Jesus. Kung mahina ang pananampalataya ng isang tao na gaya ni Eba ay siguradong papatulan niya ito.

Ano ba ang mga bagay na inaalok ng diyablo kay Jesus? Unang sinabi ng diyablo kay Jesus na kung siya nga ang anak ng Diyos ay gawin niyang tinapay ang mga batong ito. Ang tinapay na binabanggit sa Ebanghelyo ay naglalarawan sa mga materyal na bagay o kayamanan dito sa ibabaw ng lupa. (Mateo 4:3)

GREED / KASAKIMAN

Minsan sinisilaw ng demonyo ang mga tao sa pamamagitan ng kayamanan, salapi at iba pang “worldly possession” para maging ganid at sakim ang mga tao sa mga materyal na bagay. Kaya ano ang sabi ni Hesus? Hindi lang naman sa tinapay (kayaman) nabubuhay ang tao kundi sa salita ng Diyos. (Mateo 4:4)

Ano pa ang katuturan ng ating sandamakmak na kayamanan at napakaraming salapi kung wala naman tayong katahimikan o “peace of mind?”. Ano ang magagawa ng ating mga ari-arian kung wala tayong pananampalataya sa Diyos? Minsan, mas mapalad pa nga ang mga mahihirap kasi payapa ang kanilang buhay.

Ang akala kasi ng iba, kapag napakarami na nilang kayamanan ay makakamit na nila ang tagumpay. Hindi rin, sapagkat mas marami pa nga silang problema kesa sa isang ordinaryong tao na walang inaasahan kundi ang Diyos. Dahil para sa kaniya ang pananampalataya ang totoong kayamanan.

PRIDE / KAYABANGAN O KAHAMBUGAN

Sunod na dinala ng diyablo si Jesus sa banal na lunsod at pinatayo sa taluktok ng Templo para hamunin na magpatihulog kung talagang siya nga ang anak ng Diyos (Mateo 4:5-6). Minsan, hinahamon din natin ang Diyos, sinasabi natin na “Kung talagang totoo kang Diyos bakit mo hinayaan mangyari ito”.

Hinahamon natin ang Panginoon na patunayan ang kaniyang sarili kung talagang tunay siyang Diyos gaya ng mga Atheist o yung mga taong hindi naniniwala na may Diyos. Para sa kanila, hangga’t walang patunay o ebidensiya patungkol sa “existence” ng Diyos ay hindi sila maniniwala.

Ang pinaniniwalaan lamang nila ay ang kanilang sariling talino na isang pagpapakita ng kanilang kahabungan at pride. Mas bilib sila sa kanilang sarili kesa sa Panginoong Diyos na nagbigay sa kanila ng katalinuhan. Minsan, kung sino pa ang sobrang talino ay yun pa ang hindi naniniwala sa Diyos.

IDOLATRY / MAY ILAN NA ANG TINGIN SA KANILANG SARILI AY DIYOS

Dinala ng diyablo si Jesus sa isang napakataas na bundok at ipinakita sa kaniya ang lahat ng kaharian sa daigdig. Sinabi sa kaniya ni satanas na ibibigay niya ang lahat ng ito kung magpapatirapa si Jesus at sasamba sa kaniya. (Mateo 4:9). Minsan, may mga tao na ang tingin sa kanilang sarili ay kagaya ng Diyos.

Inihayag minsan ni ANAKALUSUGAN Party List Congressman Ray T. Reyes na masyado ng laganap ang tinatawag na “child labor” sa ating bansa. Ang nakakagulat ay napakabata o nasa murang edad ang mga inaalipin at pilit na pinagta-trabaho ng mga taong ang tingin sa kanilang sarili ay Diyos.

Komo sila’y nakaka-angat sa buhay at masalapi. Ang tingin nila’y kayang-kaya nilang paluhurin sa kanilang harapan ang mga taong walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang kaapihan na parang sila ang Diyos. Ang wika nga ni Jesus: “Ang Panginoong Diyos ang dapat mong sambahin at siya lamang ang dapat mong paglingkuran”.

ANO BA ANG DAPAT NATIN MATUTUNAN SA EBANGHELYO?

Lagi natin isasapuso at isasa-isip na ang lahat ng mga temptasyon at pambubuyo ng demonyo ay hinding-hindi magbubunga ng mabuti at hindi kailanman makakabuti para sa atin lalo na sating relasyon sa Diyos. Katulad ng mga pagkaing hindi makakabuti sa ating kalusugan at maaari natin ikapahamak.

Kung sa una pa lamang ay iisipin natin na maaari nating ikapahamak ang kasalanan. Sa tingin ko’y makakaiwas tayo. Sapagkat walang magagawa ang demonyo sa kaniyang panunukso kung paninindigan natin na ayaw natin magkasala. Sa palagay ko’y hindi talaga siya magtatagumpay.

Ang dapat natin gawin ay lalo pa natin paigtingin ang ating pananalig at pananalangin sa Diyos. Sapagkat walang magagawa ang demonyo kung matibay ang ating pananampalataya sa Diyos. Tandaan natin, ang isang bagay na “marupok” tulad ng karupukan ng ating pananalig sa Diyos ay madaling masira. Sinisira ng kasalanan ang ating karupukan.

Joke lang:

Hindi natin maaaring ikatuwiran na kaya tayo nagkasala ay dahil sa marupok tayo. Oh talaga ba? Sobra naman yata ang rupok mo pare kasi pati ba naman misis ng kumpare mo ay pinatos mo?

Hindi ka marupok pare kundi talagang sinadya mong magkasala dahil matagal mo ng kursunada si mare. Totoo nga ang kasabihan na ang kasalanan daw ang pinaka-malakas na bagyo. “Dahil ang daming winasak na tahanan”.

AMEN