Calendar
Majo Marcos: Zaldy Co gustong pabagsakin administrasyon
TINAWAG ni House Majority Leader Ferdinand A. Marcos nitong Martes si dating Rep. Zaldy Co na bagong “champion of the DDS cabal,” na umano’y nagpapakalat ng kasinungalingan mula sa ibang bansa upang pabagsakin ang gobyerno at takasan ang pananagutan.
“Anyone can sit in front of a camera from abroad and spew lies. The statements from the newly crowned champion of the DDS cabal, former Congressman Zaldy Co, are frankly as fantastical as they are false,” ani Marcos.
“HINDI ITO REBELASYON, ITO AY DESTABILISASYON,” diin ni Marcos.
Si Co, dating chairman ng House committee on appropriations noong ika-19 na Kongreso, ay nagbintang na si Marcos ay may halos P51 bilyon na budget insertions sa loob ng tatlong taon: P9.3 bilyon noong 2023, P20.17 bilyon noong 2024 at P21.127 bilyon ngayong 2025.
Batay sa intelligence report, sinabi ni Marcos na si Co “already struck a deal with those who stand to benefit” sa anumang power shakeup.
Dagdag pa ni Marcos, dapat tandaan ng publiko na si Co ay “a person with no credibility whose vested interests are to release these videos to destabilize the government.”
Binanggit din niya na kilala si Co bilang “the architect of this mess yet continues to insult their intelligence by saying ‘wala siyang nakuha’.”
Ani Marcos, malinaw na layunin ni Co na magdulot ng kaguluhan upang mailigtas ang sarili. “Gusto niyang pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon para ma-abswelto siya sa kanyang mga krimen,” sinabi ni Marcos.
Binigyang-diin ni Marcos na ang pagtanggal kay Co bilang appropriations chair ay bunga ng kolektibong desisyon ng mga miyembro ng Kamara, matapos mabunyag ang “insatiable greed and corruption” nito, at hindi dahil sa utos ng isang tao lamang.
Ang umano’y “sagasa” na iniuugnay kay Co sa mga distrito gaya ng Bulacan at iba pang bayan ay binanggit bilang bunga ng mga aksyong ito.
Nagbabala si Marcos laban sa paniniwala sa kuwento ni Co.
“Sa aking mga kababayan, si Zaldy Co ay hindi po isang journalist o truth crusader. Siya po ay isang kriminal na umiiwas sa hustisya. Huwag po tayong magpabudol sa kanya,” ani Marcos.

