Calendar
Makabagong teknolohiya pangsugpo sa krimen sa Pangasinan
ISA ang lalawigan ng Pangasinan sa dinarayo ng mga dayuhan at lokal na turista dahil sa magagandang atraksiyon tulad ng Hundred Islands, mga magagandang beach resort, National Park, at maging ang napakasarap na lasa ng kanilan bangus.
Kaya nang maupo noong Oktubre ng nagdaang taon bilang Police Provincial Director (PPO) ng lalawigan si P/Col. Rollyfer Capoquian, kaagad siyang nag-isip ng makabagong sistema na paglaban sa lahat ng uri ng krimen sa lalawigan, gamit ng makabagong teknolohiya.
Kabilang sa mga nais na maipatupad ni Col. Capoquian sa lalawigan ang paggamit ng panic button, alarm system, facial recognition gamit ang algorithm, pati na ng paraan ng pagkuha ng kaanyuan ng mga nakakagawa ng krimen sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.
Bago nahirang bilang provincial director sa Pangasinan, natalaga si Col. Capoquian bilang hepe ng Baclaran Police Sub-Station 1 at Commander ng Manila Police District (MPD) Station 11 kung saan siniraan at binatikos siya ng mga illegal vendors dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng kalinisan sa mga bangketa at lansangan.
Ang kanyang ipinatupad na police visibility sa Baclaran at MPD Station 11 ay bitbit pa rin niya sa Pangasinan pero sa kabila nito, may ilan pa rin palang sumisira sa magandang imahe ng opisyal tulad nina alyas “Ponga” alyas “Vera”, alas “Castro” at alyas “Pidlawan” na umano’y nagbigay ng pahintulot para mamayagpag ang mga ilegalista sa lalawigan.
Ang apat na sumisira sa imahe ni Col. Capoquian ang nagbibigay proteksiyon sa mga ilegal na sugalan ng Mangatarem, Binmaley, San Fabian, Calasiao, Laoac, Sta Maria, Manaoag, Mapandan, at sa Bugallon na iisang lahi lang ng may alyas “Ibasan” ang nagpapatakbo.
Para lubos nating matulungan ang dating hepe ng MPD Station 11, ipabatid na rin natin sa kanya ang mga ilegal na aktibidad nina alyas “Magat” sa mga Bayan ng San Carlos, Brgy. Turac, at Brgy. Matagdem, pati na rin ang mga operator ng ilegal na sugal na sina alyas “Jacky” sa bayan ng Balungao, San Manuel at Natividad ni alyas “Toyoy” sa Umingan ni alyas “William”, San Jacinto ni alyas “Richard” Mangaldan ni alyas “Arjun” at bayan ng Asingan ni alyas “Gloria”.
Rep. Tiangco, nais mapalawak ang programang teknolohiya sa mga magsasaka
MAGANDA ang itinataguyod ni Navotas Congressman Toby Tiangco na pagpapalawak sa makabagong teknolohiya sa programang pang-agrikultura para mapalago ang kita ng mga magsasaka.
Sabi ng kongresista, dapat bigyang prayoridad ng pamahalaan ang pagkakaloob ng makabagong teknolohiya at kaalaman sa pagpapalaki ng produksiyon at kita ng mga magsasaka.
Binigyang halimbawa ni Rep. Tiangco ang tagumpay ng mga pamamaraan na isinagawa sa Hermosa at Dinalupihan sa Bataan na nagdulot ng malaking produksiyon sa agrikultura, pagbabawas ng 70-porsiyento sa paggamit ng pestisidyo at 30-porsiyento ng tubig.
Dapat nga raw ay makipag-partner ang Department of Agriculture (DA) sa mga pribadong sektor tulad ng ginawa nila sa DA-Agricultural Training Institute’s Digital Farmers Program (DFP) na nagkaloob sa mga magsasaka ng makabagong gamit, gadgets at internet access.
Naniniwala si Tiangco na kung dadalhin ang serbisyong pang-agrikultura sa online, mabilis na makakakuha ng kinakailangang datus at tulong ang mga magsasaka sa pamahalaan.
Sa puna, komento at suhestiyon, mag-text lang sa 0923-347-8363 o mag-email sa [email protected].