Calendar

Malabon LGU isinagawa blessing ng bagong health equipment ng OsMal
MALABON CITY – Pinangunahan ni Mayor Jeannie Sandoval ang seremonya ng pagbabasbas para sa mga bagong kagamitang medikal sa Ospital ng Malabon (OsMal) bilang bahagi ng layunin ng lungsod na higit pang paghusayin ang serbisyong pangkalusugan para sa mga Malabueño.
“Malabueños! Layunin po natin na mas mapabuti ang kalidad ng programang pangkalusugan dito sa ating lungsod. Kaya naman po ay ating isinagawa ang blessing ng mga bagong kagamitan na ito na tiyak na mas mag-uupgrade sa ating mga serbisyo. Mas mabilis, mas tiyak, at moderno. Prayoridad po natin dito sa Malabon ang kalusugan at kapakanan ng bawat residente,” pahayag ni Mayor Sandoval sa kanyang talumpati.
Kabilang sa mga bagong kagamitang binasbasan ay ang mga sumusunod: Isang Orthopedic Instrument Set – para sa mga operasyon gaya ng joint replacement, fixation, at bone cutting; Isang 2D
Echo Examination Table – para sa tamang posisyon sa cardiac imaging; Tatlong Physical Examination Tables – para sa mas kumportableng check-up; Digital Diagnostic X-Ray System – para sa mas malinaw at mabilis na imaging ng mga buto at internal organs; Tatlong Hydraulic Transport Stretchers – para sa ligtas na paglipat ng mga pasyente, lalo na sa mga emergency; Dalawang
Mobile Operating Room Lights – para sa maayos at sapat na ilaw tuwing operasyon; at Gel Card Laboratory Centrifuge at Incubator – para sa mas tiyak na crossmatching bago ang blood transfusion
Bukod sa mga bagong kagamitan, binasbasan din ang mga kasalukuyang gamit na mahalaga sa operasyon ng OsMal tulad ng: Arterial Blood Gas Machine, Immuno-Analyzer, Bilevel Positive Airway Pressure Machine, Mechanical Ventilator, Cardiac Monitor, Newborn Heart Testing Machine, Infant Incubator, Infant Warmer, Antimicrobial Sensitivity Testing Machine, Phototherapy Machine, Infusion Pump, Vein Scanner, at
Automated External Defibrillator (AED).
Bahagi ito ng patuloy na adbokasiya ng lokal na pamahalaan na i-modernisa ang mga pasilidad pangkalusugan at tiyakin ang kaligtasan at kagalingan ng bawat Malabueño.
Nauna nang isinailalim sa training ang mga kawani ng OsMal para sa wastong paggamit ng AED, Infant Incubator at Warmer, Phototherapy Machine, Operating Room Lights, at mga Hydraulic Transport Stretchers.
“Makasisiguro po ang bawat Malabueño na ang ating pagseserbisyo ay hindi titigil at madadagdagan pa pagdating sa kasiguruhan ng kalusugan at sa pagpapatuloy ng pag-angat ng buhay ng bawat isa,” ani City Administrator Dr. Alexander Rosete.
Mananatiling tapat ang lokal na pamahalaan ng Malabon sa layunin nitong gawing mas malusog, mas ligtas, at mas maayos na tirahan ang lungsod para sa lahat ng residente.