Sandoval

Malabon Mayor Jeannie Sandoval pinasinayaan 2 bagong pumping station

89 Views

BILANG bahagi ng mga programa para sa kaligtasan ng mga Malabueño sa panahon ng bagyo at high tide, pinasinayaan ni Mayor Jeannie Sandoval at ng Malabon City government ang dalawang bago at modernong pumping station sa lungsod nitong Martes.

Ang dalawang pasilidad ay ang Sto. Rosario II Pumping Station sa Barangay Baritan, at ang Dulong Adante Pumping Station sa Barangay Tañong (malapit sa C4 Road Bridge).

“Hindi tayo titigil sa pagsiguro mayroon tayong mga programa laban sa matinding pagbabaha dito sa ating lungsod. Maliban sa pagsasaayos ng mga floodgate ay ating binuksan itong dalawang modernong pumping stations sa ating lungsod na tiyak na makakatulong sa pagpigil ng pagpasok ng baha dito sa ating lungsod tuwing may bagyo o high tide,” ani Mayor Jeannie.

Ayon sa City Engineering Department, ang mga modernong pumping station ay may kapasidad na 0.3 cubic meter per second (volume ng tubig na ibinobomba sa mga oras ng operasyon nito) at gagana tuwing 6 na oras, na may 1 oras na idle tim, na mas mahusay kaysa sa mga mechanical pump sa lugar (0.1 cubic meter capacity, 3 oras na operasyon, 2 oras na idle time).

Sinabi nito na P9,990,475 mula sa budget ng pamahalaang lungsod ang inilaan para sa Sto. Rosario II Pumping Station na mayroong 18,377 square meter catchment area na magsisilbi sa halos 1,000 residente sa barangay.

Samantala, naglaan din ang pamahalaang lungsod ng P16,627,238 para pondohan ang pagtatayo ng Dulong Adante Pumping Station (19,917 square meter catchment area) na makatutulong upang mabawasan ang problema sa pagbaha sa Barangay Tañong sa masamang panahon. Ito ay makakatulong para sa kaligrasan ng 500 residente sa barangay.

“Tanging hiling ko lamang po ay ang inyong kooperasyon sa pagpapanatili ng kalinisan sa ating lungsod lalo na sa mga daanan ng tubig. Huwag tayong magtapon ng mga basura sa mga ito upang hindi bumara at maging sanhi ng mas matinding problema,” ayon sa alkalde

“Itong ating bagong mga pumping stations ay itinayo upang mas mapaigting ang ating mga hakbang tungo sa mas ligtas na lungsod, anumang kalamidad ang dumaan.

Maliban sa mga isinasagawnag pagsasaayos ng mga imprastraktura laban sa pagbabaha ay ating makakatulong ang dalawang modernong pumping stations para hindi maapektuhan ang lungsod ng matinding sakuna. Asahan ninyo na patuloy tayo sa pagbuo at pagpapaganda ng mga proyektong nakatuon sa kaligtasan ng bawat Malabueño,” sabi ni City Administrator Dr. Alexander Rosete.