Malabon1

Malabon sa Virgin Mary tarp ni Mayor Jeannie: Hindi galing sa ‘min yan

Edd Reyes Mar 29, 2026
227 Views

MalabonITINANGGI ng Malabon na galing sa kanila ang kumalat na tarpaulin ni Mayor Jeannie Sandoval na nakabelo ang mayor na mala-Birheng Maria ang peg.

Mas mariing itinanggi ng mayor na aprubado niya ang tarpaulin photo dahil nagandahan siya sa kanyang itsura at bagay sa kanya na maging Birheng Maria.

Humihingi siya ng paumanhin sa mga nabastusan sa tarpaulin at hindi niya inaasahan na may hindi magandang reaksyon mula sa ilan.

Ayon sa pamahalaang lungsod, hindi galing sa kanilang tanggapan ang kumalat na larawan na sa kanilang pagsusuri ay AI-generated.

“Sinusunod ng Malabon ang mga alituntunin ng DILG na nagbabawal sa paglalagay ng larawan ng mga opisyal ng pamahalaan sa mga tarpaulin.

“Malinaw na ang kumakalat na imahe ay hindi lehitimo at walang kaugnayan sa alinmang opisyal na programa o komunikasyon ng lungsod,” nakasaad sa pahayag.

Sabi pa ng lokal na pamahalaan na ang ganitong paggamit ng banal na imahen ay isang kalapastanganan at bilang isang debotong Katoliko, hindi kailanman gagawin o papayagan ni Mayor Sandoval.

Hinikayat ng lokal na pamahalaan ang publiko na maging mapanuri at huwag basta magbahagi ng hindi beripikadong impormasyon o litrato.