Palasyo

Malacanang binuksan ang pintuan para sa Simbang Gabi

Chona Yu Dec 16, 2024
45 Views

BINUKSAN ng Palasyo ng Malakanyang ang pintuan nito para sa Simbang Gabi.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), bukas sa publiko ang Palace ground mula Disyembre 16 hanggang Disyemb 3 ng 6:00 ng gabi hanggang 11:00 ng gabi.

Bukas din ang Palace grounds paraa sa Misa De Gallo mula Disyembre 16 hanggang 24 ng 4:00 ng umaga hanggang 5:00 ng umaga.

May alok ang Malakanyang na libreng kakanin, hot chocolates at iba pa.

May nakahanda ring libreng carnival rides para sa mga bata mula 6:00 ng gabi hanggang 11:00 ng gabi.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, nais niyang ma-enjoy ng bawat Filipino ang Pasko sa kabila ng sunod sunod na bagyo na tumama sa bansa.

“And it is a joyful time for all the Filipinos. But as we celebrate, I would like to ask you to hold a thought for all those people who up to now are trying to recover from the effects of the six typhoons that we suffered in twenty-three days,” pahayag ni Pangulong Marcos.