MPC MPC — Ang mga bagong opisyal ng Malacañang Press Corps (MPC) matapos manumpa kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sila ay sina President: Chona Yu ng Journal Group (People’s Journal, People’s Tonight, peoplestaliba.com, journalnews.com.ph); Vice President: Ivan Mayrina ng GMA7, Leth Narciso ng DZRH, Anna Bajo ng GMA News Online at Jocelyn Montemayor ng Malaya; Secretary: Catherine Valente ng Manila Times; Treasurer: Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror; Auditor: Helen Flores ng Philippine Star; Sergeants-at-arms: Allan Francisco ng PTV4 at Maricel Halili ng TV5.

Malacañang Press Corps nanumpa kay PBBM

79 Views

Sa pangunguna ni MPC president at Journal Group reporter Chona Yu

NANUMPA na kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga bagong opisyal ng Malacañang Press Corps (MPC) sa pangunguna ng kanilang presidente at reporter ng People’s Journal na si Chona Yu.

BBM2
Si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasama si Malacañang Press Corps president at Journal Group reporter Chona Yu.

Bukod kay Yu, nanumpa rin ang ibang opisyal ng MPC. Ito ay sina Ivan Mayrina ng GMA 7, vice president for TV; Leth Narciso ng DZRH, vice president for radio; Anna Bajo ng GMA News Online, vice president for online; at Jocelyn Montemayor ng Malaya, vice president for print.

Kasama rin sa oath-taking sina Catherine Valente ng Manila Times bilang secretary, Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror bilang treasure, Helen Flores ng Philippine Star bilang auditor, at Allan Francisco ng PTV at Maricel Halili ng TV 5 bilang sergeants-at-arms.

Nanumpa rin kay Pangulong Marcos sina Yummie Dingding bilang presidente ng Presidential Photojournalist Association at Melchor Quintos bilang presidente ng Malacanang Cameraman Association.

Nanumpa rin kay Pangulong Marcos ang mga bagong opisyal ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas at National Press Club kung saan ang kanilang presidente ay si Leonel Magistrado Abasola.