Sara1

Malakanyang sa pagtakbo ni VP Sara: Karapatan nya ‘yun

Chona Yu Jan 15, 2025
12 Views

WELCOME sa Palasyo ng Malakanyang ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na tumakbong pangulo ng bansa sa 2028 presidential elections.

Pero ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, premature o masyado pang maaga ang deklarasyon ni Duterte.

Ayon kay Bersamin, karapatan naman ni Duterte ang kumandidatong Pangulo.

“Welcome… No, I think it’s too premature but it’s her privilege,” pahayag ni Bersamin.

Una nang sinabi ni Duterte na seryoso niyang ikinukunsidera ang pagtakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Idinadahilan ni Duterte na hindi na dapat na magpatuloy pa ang mga nangyayari sa bansa.